^

PSN Palaro

UAAP Basketball Tournament: UST nanalo sa UP

-
Naging susi si Emerson Oreta sa 71-65 panalo ng University of Santo Tomas kontra sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng eliminations ng UAAP men’s basketball tournament sa Ateneo gym kahapon.

Pumukol ng dalawang tres si Oreta ang nag-ahon sa UST Golden Tigers sa 66-61 kalamangan patungong 1:20 oras ng labanan mata-pos mabaon sa 60-61 na kanilang naging tuntungan sa ikalawang pa-nalo sa kabuuang 6 laro.

Nanatiling palaban ang Maroons matapos makalapit sa 63-66 nang parehong maipasok ni Michael Bravo ang dalawang free throws mula sa foul ni Deric Hubalde, 1:08 ang oras ng laro.

Nagkaroon ng tsansa ang Maroons na posibleng maagaw ang tagumpay matapos magmintis ang tres ni Oreta, ngunit nasayang naman ang posesyon ng Maroons nang mabitiwan nito ang bola sanhi ng turnover.

Agad na na-foul ni Bravo si Hubalde na umiskor ng una sa kanyang dalawang free throw, ngunit na-follow-up ni Espiritu ang nagmintis na ikalawang bonus shot para sa 69-63 kalamangan ng Tigers, 49.9 segundo na lamang ang oras sa laro.

Sa juniors division, kapwa nagsipagpanalo ang UST Tigers Cubs at ADMU Eaglets kontra sa Baby Maroons, 65-62 at UE Pages, 69-64 , ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ATENEO

BABY MAROONS

DERIC HUBALDE

EMERSON ORETA

GOLDEN TIGERS

MICHAEL BRAVO

ORETA

TIGERS CUBS

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with