^

PSN Palaro

504 katao ipapadala sa Kuala Lumpur SEA Games

-
Lalo pang lumaki ang bilang ng Philippine delegation para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa September 8-18 sa inilabas na official partial list ng SEA Games Task Force.

Umabot na sa kabuuang 504-katao ang ipadadala ng bansa sa biennial meet na ito, 352 nito ay mga atleta, makaraang magdagdag ng pito pang atleta ng athletics at tatlong substitution sa karatedo.

Bukod sa naturang bilang ng kinatawan ng bansa, mayroong 32 miyembro ng men’s at ladies basketball teams at dalawang substitutions sa 20 member karatedo squad ang posibleng idagdag sa bilang ng delegasyon.

Ang listahan ng basketball teams at ang tatlong substitutions sa karatedo ay personal na dadalhin ni RP chief de Mission Freddie Jalasco at tatlo pang miyembro ng Task Force sa Organizing Committee ng Malaysia.

Ang huling araw ng pagsusumite ng line-up ay sa Agosto 11 kaya’t may panahon pa ang Task Force na magbawas o magdagdag sa bilang ng delegasyon.

Bagamat hindi pa naaalis ang suspensyon ng FIBA sa Basketball Association of the Philippines ay minabuti ng Task Force na maghanda ng line-up at ipakita sa Malaysia Organizers sakaling payagan na ang bansang makalahok sa basketball competition.

Ito ay kung magkakasundo na ang dalawang paksiyon sa BAP, ang kampo ni Lito Puyat at Tiny Literal na nag-aagawan sa liderato ng naturang asosasyon sa lalong madaling panahon.

Pag-aaralan din ng task Force ang idinagdag na pitong miyembro ng athletics.

"Kung hindi sila puwede, mas madali na ang mag-scratch kaysa magdagdag," pahayag ni PSC commissioner Ritchie Garcia, ang pinuno ng pinagsamang SEAG Task Force ng POC at PSC. Maliban sa 32 kataong basketball line-up at dalawang substitutions ng karatedo, may 321 atelta na kabilang sa opisyal na line-up at 147 opisyal.

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

GAMES TASK FORCE

KUALA LUMPUR

LITO PUYAT

MALAYSIA ORGANIZERS

MISSION FREDDIE JALASCO

ORGANIZING COMMITTEE

RITCHIE GARCIA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with