Rivera, MBA Hardcourt Hero of the Week
August 7, 2001 | 12:00am
Sa pagsisimula pa lamang ng ikaapat na season ng MBA, maraming opisyal ng ibang koponan ang nagtatanong kung makakalaro na si Ralph Emerson Rivera para sa LBC Batangas Blades.
At maraming duda kung makapaglalaro nga si Rivera, dating starter at key player ng nadisbandang Pangasinan Waves ngayong taon simula ng ma-sidelined siya sa karamihan ng mga laro ng Blades noong nakaraang season sanhi ng mga injury.
At ngayon, naging tahimik ang pagbabalik ni Rivera sa roster ng Blades sa pagbubukas ng 2001 MBA 1st Phase eliminations nang siya ay nasa ilalim ng anino ng mga teammates na sina Romel Adducul, Eddie Laure at Alex Compton.
At sa kalagitnaan ng elimination, unti-unting nagbalik ang dating porma ni Rivera, dating miyembro ng RP-Youth at RP-Mens basketball team sa kanyang amateur days.
At sa katunayan, sa huling dalawang laro ng Blades, nagsilbing susi ang dating miyembro ng San Beda Red Lions sa NCAA nang tulungan niya ang kanyang koponan na makarating sa top spot patungo sa semifinal round.
At noong nakaraang Miyerkules, humataw si Rivera ng 27 puntos, bukod pa ang 3 rebounds, 1 assists, 2 steals at 1 block na tinampukan ng 5-of-7 triples sa loob ng 32 minuto upang pamunuan ang Blades sa 103-85 panalo kontra sa Laguna Lakers.
Iginiya rin ni Rivera ang Batangas sa kanilang panalo kontra Nueva Ecija Patriots nang kumana ito ng 13 puntos, 2 rebounds at 1 steal na dahilan upang mahirang siya ng mga miyembro ng MBA Press Corps bilang Hardcourt Hero para sa buwan ng Hulyo 29-Agosto 5.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended