^

PSN Palaro

Knights taob sa Stags

-
Nagpasabog ang San Sebastian College ng 9-0 bomba sa huling apat na minuto ng sagupaan upang payukurin ang mahigpit na nakipaglabang Letran College, 75-63 sa pag-papatuloy ng aksiyon sa 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Bumandera sa ikaapat na sunod na panalo ng Baste si Mark Macapagal nang kumana ito ng 20 puntos upang ihatid ang Stags sa solong ikalawang puwesto sanhi ng kanilang 5-1 win-loss slate.

Nakakuha rin si Macapagal ng malaking suporta kina Christian Coronel at Paul Reguerra na nagdagdag ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ipagkaloob sa Knights ang ikatlong sunod na kabiguan na naglagay sa kanila sa ikaapat na puwesto sanhi ng 3-4 kartada.

Mula sa 46-30, kalamangan ng Stags, umatake sina Harold Sta. Cruz, Ismael Junio at Carlo Sillona upang ibaba ang pundasyon ng Baste sa 66-60 patungong 4:14 minuto ng final canto.

Sa junior division, iginanti naman ng Letran Squires ang kabiguan ng kanilang senior counterpart nang kanilang talunin ang SSC Staglets, 68-57.

vuukle comment

CARLO SILLONA

CHRISTIAN CORONEL

HAROLD STA

ISMAEL JUNIO

LETRAN COLLEGE

LETRAN SQUIRES

MARK MACAPAGAL

PAUL REGUERRA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with