^

PSN Palaro

Muros, kasama pa rin sa SEA Games

-
Nagkaroon na naman ng tradisyunal na winners ang koponan ng bansa makaraang makakuha ng slot ang Southeast Asian Games long jump queen na si Elma Muros-Posadas sa national team noong Sabado.

Tumalon si Muros-Posadas ng 6.16 metro sa performance trials na ginanap sa Rizal Memorial Stadium, ang numerong sapat na para maitatag ang kanyang sarili bilang No. 1 bet sa event na nagbigay sa kanya ng walong Sea Games gold medal simula noong 1983 Singapore edisyon.

Ang SEAG na ito ang una at huling pagsabak ni Muros-Posadas sa nakalipas na dalawang taon o simula ng ibigay niya ang nag-iisang ginto sa athletics event para sa miserableng kampanya ng bansa na 19 ginto na tinapos sa 1999 Brunei games.

Bahagyang pinagdudahan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ang kakayahan ni Muros-Posadas kung siya ay isasama pa sa koponan, maliban lamang kung makapagsusumite siya ng magandang performance trials.

Nagbulsa rin ang ipinagmamalaki ng Magdiwang, Romblon ng anim na iba pang SEA Games gold medals sa kanyang career simula ng pagbubukas ng Gintong Alay days noong 1981.

Noong Sabado, ninombrahan ni PATAFA chief Go Teng Kok ang anim na miyembrong coaching staff ng asosasyon na isabak si Muros-Posadas sa kanyang tagapagmana na si Maristela Torres na hindi nakatalon na lalampas sa 6.12 metro.

At ang pagkakasama ni Muros sa event at ang itinalang 6.29m ni Lerma Bulauitan na naitala noong national open ang nagbigay sa kanya ng awtomatikong slot sa team.

Kapwa hawak ni Muros-Posadas ang SEA Games at Philippine record na 6.52 at 6.56 sa long jump, gayunman, kailangan niyang mas magpakita pa ng magandang performance sa Malaysia.

Bubuuin ng mga PATAFA opisyal sa pangunguna ni Go at coaches ang kanilang final na komposisyon ng koponan sa kanilang pagkikita sa Philippine Sports Commission training camp sa Baguio City bukas.

Ang mga nakakasiguro na ng slot at inaasahang magbibigay ng ginto sa athletics squad ay sina Eduardo Buenavista (3,000 at 5,000 meters), John Lozada (800 meters), Geralyn Amandoron (javellin) Roy Vence at Christabel Martes (marathon) at Ernie Candelario (400).

BAGUIO CITY

CHRISTABEL MARTES

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS-POSADAS

ERNIE CANDELARIO

GERALYN AMANDORON

GINTONG ALAY

GO TENG KOK

JOHN LOZADA

MUROS-POSADAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with