At ngayon, dahil sa pagtatangkang magkaroon ng magandang break sa Adidas-backed Milo national 42K finals sa Manila sa December, nagdesisyon si Reli na lumahok para sa kanyang bayang sinilangan sa Tacloban City kahapon ng umaga at natupad naman niya ang kanyang pangarap na maagang mag-qualify.
"Gusto kong makauna sa ensayo dahil sa Cebu, sa November pa ang karera. Bago mag-halfway, gusto ko mag-lead na dahil hindi ko kabi-sado ang ruta dito," ani ng 21 anyos na junior criminology student mula sa University of San Carlos na nanalo rin ng P5,000.
Pumangalawa sa kanya ang isa pang Leyteño na si Demetrio Rosales mula sa Hilongos, ngunit nagtapos ng Nautical Engineering mula sa South Western University sa Cebu na nagtala ng 31:47 oras sa 10K distance na naghatid din sa kanya ng upuan sa finals.
"Hinabol ko siya pero nanigas na yung mga binti ko, kulang pa sa ensayo," ani Rosales na tumanggap ng P3,000.
Isa pang Cebu-based student pero tubong Baybay Leyte ang sumungkit ng nalalabing slot sa finals nang maorasan ng 32:13 ang 18-anyos na si Rex Duterte.
Ipinadama naman ng 9-anyos na si Joeyryn Ann Lee, isang fourth grader at kamakailan lamang nag-transfer sa Cebu ang kanyang dominasyon sa mga matatanda ng kalaban sa 10K womens division nang tanghaling kampeon matapos ang tiyempong 42:45.
Dahil sa kanyang murang edad, hindi nag-qualify si Lee sa finals ng Adidas-backed Milo Marathon na ngayon ay magdiriwang ng kanilang ika-25 taong anibersaryo.
Pumangalawa si Jocelyn Codilla na nagtala ng 43:45 at tumersera naman ang 16-anyos na si Anlyn Amascual na may 45:08, subalit na-forfeit din ang kanyang pagpasok sa national finals dahil sa kanyang edad.