Philippine Ice-skating team sumungkit ng 15 golds
August 6, 2001 | 12:00am
COLUMBUS, Ohio -- Higit pang lumapit ang SM-Philippine ice skating team sa kanilang inaasam na pinakamagandang pagtatapos sa nakalipas na pitong taon matapos na muling ipagpatuloy ang kanilang pananalasa at mapahigpit ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto makaraang muling sumungkit ng 15 gold medals sa penultimate day ng 2001 ISI World Recreational Team Championships noong Sabado dito.
Suportado ng SM, Pepsi, Philippine Airlines at Adidas, umani na ang Filipino skaters ng 37 golds, 24 silvers at 14 bronze medals para sa kabuuang 401 points matapos ang apat na araw ng competition na siyang naglagay sa kanila sa third spot sa likod ng lider na Chiller Ice Dublin-Columbus (688) at Center Ice-Delmont (415).
Ang dalawang koponan na puwedeng maging sagabal sa kampanya ng SM-Philippine ice skating team sa kanilang magandang pagtatapos ay ang Ice Zone-Boardman na siyang nasa ikaapat na puwesto na may 354 points at ang defending champion Plymouth Ice-Minnesota na nasa ikalimang slot na may 338.5 points.
Itinala ni Shekinah Ciudad ang kanyang ikalimang gold medal output matapos na mamayani sa solo compulsory event.
Ang iba pang nakaumit ng medalyang ginto ay sina Charissa Aguilling (spotlight light entertainment) Leslie Ching (solo compulsory) Kat-rice delos Reyes (Footwork 4), Jaquiline Faustino (solo compulsory), Renilord Gana-ban (spotlight character), Jeryl Jane Gerida (spotlight dramatic), Catherine Miller (spotlight dramatic), Denise Tagayuna (solo compulsory), Jazz Tulda (spotlight character), Jeany Yap (spotlight dramatic) at Jefferson Yap (spotlight light entertainment).
Naibulsa naman nina RG Ganaban (spotlight character), Jescamelle Malabed (spotlight dramatic) at Rhoda San Jose (Footwork 4) ang silver, habang ang nag-iisang bronze ay inukit ni Bien Bergonia (spotlight character).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended