UAAP Basketball; DLSU Green Archers solo lider na
August 6, 2001 | 12:00am
Isang eksplosibong opensa ang ipinamalas ng defending champion De La Salle University upang ipatikim sa Adamson University ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 99-87 panalo sa pagpapatuloy ng 64th season ng UAAP senior’s basketball tournament sa Loyola Gym kahapon.
Ito ang ika-apat na sunod na tagumpay ng Green Archers na naghatid sa kanila sa solong pamumuno sanhi ng 5-1 win-loss slate, habang nalasap naman ng Falcons ang kanilang ika-26th na talo sa kabuuan simula ng huling manalo ito noong Agosto 1999.
Tanging sa unang limang minuto lamang nakapagbigay ng hamon ang Falcons nang maitabla ni Melvin Mamaclay ang iskor sa 10-all mula sa kanyang jumper.
Mula dito, hindi na nagawa pang umahon ng Falcons nang magtulungan sina Manny Ramos, Ren Ren Ritualo at Mike Cortez sa 13-0 salvo na naglagay sa Taft-based squad sa 23-10 pangunguna sa huling 3:32 minutong labanan sa unang canto.
Ngunit sinikap pa rin ng Adamson na makabalik nang sa pagbubukas ng second period, nagawang ilapit ni Michael Yong ang iskor sa 46-40, may 1.10 segundo na lamang sa naturang quarters.
Sa women’s division, pinayukod ng University of Santo Tomas ang University of the East, 58-50, naungusan ng Far Eastern University ang Ateneo de Manila, 45-41 at tinalo ng Lady Archers ang Lady Falcons, 76-62.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am