NCAA Basketball; Katatagan sa solo ikalawang mithi ng Stags
August 6, 2001 | 12:00am
Katatagan sa solong ikalawang puwesto ang aasintahin ngayon ng San Sebastian College sa kanilang pakikipaglaban kontra sa San Juan de Letran sa pagpapatuloy ng 77th NCAA season men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Hawak ng Stags ang 4-2 win-loss slate kung saan ikaapat na sunod na panalo ang kanilang pagsisikapang magawa sa ala-1:30 ng hapong sultada nila ng Knights.
Ngunit sa labang ito, umaasa naman ang Knights na makakabawi mula sa kanilang dalawang sunod na talo kung kaya’t pagsisikapan nilang maitala ang kanilang panalo upang mapaganda ang kanilang 3-3 karta.
Kung tao sa tao ang pag-uusapan, halos parehas lamang ang Knights at Uste, gayundin ang depensa at opensa kung kaya’t sa breaks lamang magkakatalo ang dalawang koponang ito.
Siguradong muling sasandalan ni Favis sina Ismael Junio at Ronjay Enrile para tapatan sina Mark Macapagal at Christian Coronel.
Siguradong di rin pahuhuli ang Stags at babalikatin nina Nicole Uy, Paul Reguerra at Clark Moore ang opensa, pero nandiyan sina Ren Syhongpan, Jason Misolas at Carlo Sillona para supilin sila.
Sa ikalawang laro, titipanin naman ng host Philippine Christian University ang University of Perpetual Help College sa alas-5:30.
Ang aksiyon ay bubuksan ng Staglets na mapapasabak naman sa Squires sa alas-12 ng tanghali.
At sa isa pang junior game, magtitipan naman ang Altalletes at ang Baby Dolphins sa alas-3:30.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended