At sa pamamagitan ni Garcia na siya ring co-chairman ng SEA Games Task Force at officer-in-charge ng PSC, ninombrahan niya ang Department of Health (DOH) na siyang magsagawa ng pagbobomba.
"We would like the athletes to stay safe in their quarters and keep their focus on training. We cannot afford to lose any of our top athletes to serious illnesses like dengue especially now that we are in the final stretch of our preparations for the SEA Games," ani Garcia.
Ninombrahan din ni Garcia ang dalawang kumpanya ng janitorial services sa nasabing dalawang training facilities na siguruhing malinis at komportable ang mga atleta.
Samantala, kumpleto na ang lahat ng medical checkups ng mga atleta at wala namang mga major problems.
Magpapadala ang PCSM ng isang team para masiguro ang kalusugan ng mga miyembro ng delegasyon ng bansa para sa Sept. 8-17 SEAG.