^

PSN Palaro

Quarters ng mga atleta pauusukan laban sa dengue

-
Sinabi ni Philippine Sports Commission Ricardo Garcia na regular na nilang pabobombahan ang mga quarters ng mga atletang tutungo sa Southeast Asian Games sa Rizal Sports Complex at sa PhilSports Arena upang di sila ma-exposure sa posibleng pagkakaroon ng sakit na dengue.

At sa pamamagitan ni Garcia na siya ring co-chairman ng SEA Games Task Force at officer-in-charge ng PSC, ninombrahan niya ang Department of Health (DOH) na siyang magsagawa ng pagbobomba.

"We would like the athletes to stay safe in their quarters and keep their focus on training. We cannot afford to lose any of our top athletes to serious illnesses like dengue especially now that we are in the final stretch of our preparations for the SEA Games," ani Garcia.

Ninombrahan din ni Garcia ang dalawang kumpanya ng janitorial services sa nasabing dalawang training facilities na siguruhing malinis at komportable ang mga atleta.

Samantala, kumpleto na ang lahat ng medical checkups ng mga atleta at wala namang mga major problems.

Magpapadala ang PCSM ng isang team para masiguro ang kalusugan ng mga miyembro ng delegasyon ng bansa para sa Sept. 8-17 SEAG.

DEPARTMENT OF HEALTH

GAMES TASK FORCE

GARCIA

MAGPAPADALA

NINOMBRAHAN

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION RICARDO GARCIA

RIZAL SPORTS COMPLEX

SAMANTALA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with