Unang magtatangka ang Blades sa kanilang kalabang Nueva Ecija Patriots sa alas-3 ng hapon sa De La Salle Lipa Gym, habang haharapin naman ng Knights ang Negros Slashers sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City sa alas-5:30 ng hapon.
Kapwa nag-iingat ng 10-3 panalo-talo at magkasosyo sa liderato, ang panalo ngayon ng Blades at Knights ang maghahatid sa kanila para umusad sa best-of-three semifinals.
Ngunit kung sakaling mabibigo sila, magkakaroon ng four-way tie kasama ang Slashers at Cebuana Lhuillier Gems at ito ay gagamitan ng quotient system upang madetermina kung sino ang highest ranking sa elimination round.
Importante ang rankings sa dahilang ang top three teams ay awtomatikong eentra sa semis round, habang ang No. 4 team ay muling mapapasabak para sa knockout showdown sa Laguna Lakers na siyang No. 5 teams matapos ang double-round elimination na ito.
Mas madali para sa Batangas ang kanilang asignatura ngayon kumpara sa San Juan, dahil ang kalaban ng Blades na Patriots at talsik na sa kontensiyon na may 3-10 karta at kanila na itong ginapi, 90-76.
At ang makakalaban naman ng San Juan na Slashers may ambisyon rin na mapasama sa top three teams kung kayat siguradong kakayod ito ng husto.
Noong una silang magkita, tinalo ng Slashers ang Knights, 84-81 kayat di dapat ito balewalain ng Knights.