Mula sa 291 na naunang bilang na inihayag ng Sea Games Task Force kahapon, ito ay tumaas sa 313 ang mga atletang tutungo sa Malaysia matapos na makapasa ang 22 iba pa mula sa bronze-medal criteria na itinakda para sa Games.
Mula sa 313, 190 rito ang mga lalaking atleta at 123 naman ang babae. At 49 standby, 32 ang lalaki at 17 ang babae.
Ayon kay Ariel Paredes, miyembro ng Philippine Sports Commission (PSC) panel sa Task Force na ang mga standby ay magsasagawa pa ng qualification events para sa final review upang maisama dahil ang mga events na kani-kanilang sasalihan ay ngayon pa lamang ipa-kikilala sa kauna-unahang pagkakataon sa SEA Games.
Dalawa sa bagong events ay ang synchronized diving kung saan ibig ng swimming association na magpadala ng dalawang lahok at ang womens sepak takraw. Hangad naman ni Mario Tanchanco, pangulo ng Sepak Takraw association na magpadala naman ng isang womens regu team--ang regu ay mayroong apat na players sa halip na full standard na tatlong regu squad.
Kabilang din sa delegasyon ang 80 coaches, assistant coaches at team managers; 29 dito ang team managers mula sa national sports associa-tions; 21-14 mula sa Philippine OIympic Committee (POC) at pito naman sa PSC support staff, 13 administrative personnel at 15 medical personnel.
Umaasa ang Philippines na makakakuha ng hindi bababa sa 40 hang-gang 45 ginto upang tabunan ang masamang record sa nakaraang SEA Games.
"Perhaps, there would be record breakers from our team in swimming, archery and shooting but elsewhere, we doubt it," ani naman ni Romeo Ribaño, POC secretary general.