^

PSN Palaro

Delasin dapat maging huwaran ng mga atleta

-
Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Butch Tuason na ang mga local athletes ay mayroon na namang natutuhang leksiyon hinggil sa kamanghamanghang panalo ng Fil-American na si Dorothy Delasin sa Giant Eagle LPGA Classic sa Vienna, Ohio.

"It’s the Filipino fighting spirit shining through," pahayag ni Tuason sa pagbangon ni Delasin mula sa apat na shots at igupo si Tammie Green at Se Ri Pak upang idepensa ang kanyang titulo at mag-uwi ng $150,000 (P9 milyon) bilang premyo.

Si Delasin ay umakyat sa pro noong nakaraang taon ng kunin niya ang Rookie of the Year plum ng LPGA--ang panalong nagkaloob sa kanya ng special reward mula sa Philippine Sports Commission nang siya ay umuwi ng bansa nitong kaagahan ng taong ito upang tanggapin ang PSA Athlete of the Year award.

At bunga ng kanyang panalo sa rookie season, nabigyan ni Dorothy ang kanyang pamilya ng isang magandang tirahan sa San Francisco.

Bagamat sa Amerika naninirahan ang 24-anyos na si Delasin, kakatawanin pa rin niya ang bansa sa mga events na gaya ng world amateurs, Asian Games at Southeast Asian Games.

vuukle comment

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

BUTCH TUASON

DELASIN

DOROTHY DELASIN

GIANT EAGLE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROOKIE OF THE YEAR

SAN FRANCISCO

SE RI PAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with