MBA First Phase; Socsargen yuko sa NE Patriots

LIPA CITY - Nagningning si Jonathan de Guzman nang bugbugin ng Nueva Ecija Patriots ang Socsargen, 97-75 sa MBA First Phase sa Sentrum La Salle dito.

Sa larong tinampukan ng dalawa sa tatlong koponan na napatalsik na sa quarterfinal round, nag-init si de Guzman upang iposte ang kanyang bagong career-high na 25 puntos na tinampukan din ng apat na triples tungo sa 3-9 karta ng Patriots.

Ang kabiguan naman ng Socsargen na ininda ang hindi paglalaro ng kanilang star na si Bong Alvarez na may injury, ay kanilang ika-11th pagkatalo sa loob ng 13 laban.

Gumawa ng 22 puntos si de Guzman sa first half nang kumawala ang Nueva Ecija at humatak din ng 7 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Show comments