Coach-less UE nanalo sa UST sa UAAP basketball tournament
July 30, 2001 | 12:00am
Hindi naging kawalan sa University of the East ang pagkawala ni coach Boysie Zamar at nagawang itakas ng Warriors ang 67-57 panalo kontra sa University of Santo To-mas sa pagpapatuloy ng 64th season ng UAAP mens basketball tournament sa Loyola Gym kahapon.
Di nakaupo sa bench si Zamar dahil kinailangan niyang giyahan ang Socsargen Marlins sa MBA na nakikipaglaban naman kontra sa Nueva Ecija kung kayat ang assistant coach na si DJalma Arnedo ang siyang umako ng papel ni Zamar na nagresulta naman ng maganda nang maihatid niya ang Warriors sa ikatlong panalo dahilan upang makisosyo sa pansamantalang pangunguna.
Sumandig si Arnedo sa husay nina Ronald Tubid at Paul Artadi nang kanilang banderahan ang scoring machine ng Warriors sa pagsisimula ng third canto nang kanilang iwanan ang Growling Tigers ng 18 puntos, 43-25.
Mula dito, hindi na nabigyan ng pagkakataon ng UE na makabalik ang Uste hanggang sa huling sandali, bagamat nakalapit sila sa apat na puntos, 59-55 sa huling 4:18 segundo ng labanan, nanatiling buo ang composure ng Warriors.
Isang fastbreak play ang kinumpleto ni Artadi ang muling naghatid sa Warriors sa kampanteng katayuan sa 61-55 kalamangan, may 3:18 na lamang sa laro.
Sa junior divisions, nanalo Golden Cubs nang pabagsakin ang UE Pages,77-64, habang nanaig din ang De La Salle Bengals sa UP, 64-53.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended