Hawak ang pangunguna sanhi ng kanilang 9-2 win-loss slate, haharapin ng Blades ang Knights na nagiingat naman ng 9-3 karta sa alas-5:30 ng hapon.
Inaasahan na matinding upakan ang magaganap sa pagitan ng Knights at Blades kung saan siguradong gagawa ng matinding opensa ang San Juan na naghahangad na wakasan ang winning streak ng Batangas at makasosyo sila sa pamumuno.
Siguradong agad na ibabalandra ni coach Nash Racela ang kanyang mga mahuhusay na manlalaro sa pangunguna nina Alex Compton, Romel Adducul, Tony Boy Espinosa, Eddie Laure at Stephen Antonio na siya ring naging susi ng Blades sa 84-81 panalo noong una silang magharap.
Ngunit siguradong di na papayag ngayon ang Knights na muli silang matalo ng Blades at kanilang tatapatan ang tikas ng Blades sa pamu-muno naman nina Rafi Reavis, Omanzie Rodriguez, Bruce Dacia, Chris Calaguio, Chito Victolero, Danny Capobres at Randy Alcantara upang isu-ong ang Knights sa kanilang ika-10 panalo.
Nauna rito, maghaharap ang Nueva Ecija at Socsargen Marlins sa pambungad na laro dakong alas-3 ng hapon bilang pampagana.