Falcons sinilat ng Eagles sa 64th UAAP basketball Tournament
July 29, 2001 | 12:00am
Kumulapso ang Adamson University sa huling minuto ng maiinit na labanan at silatin ng Ateneo de Manila University, 62-61 upang maa-gaw ang solong liderato sa 64th UAAP mens basketball tournament sa Loyola gym kahapon.
Ito ang ikatlong tagumpay ng Blue Eagles matapos ang apat na laro habang lalo pang nabaon sa ilalim na katayuan ang Falcons matapos na mabokya sa apat na laban.
Halos abot kamay na ng Falcons ang kanilang unang panalo, subalit hindi hindi nila natagalan ang matinding depensa ng Blue Eagles dahilan upang unti-unting bumagsak ang kanilang pundasyon sa huling maiinit na bahagi ng labanan.
Mula sa 62-59 pagkakalapit ng iskor, nabigyan ng pagkakataon ang Adamson na madala ang laro sa overtime, subalit sumablay ang pinakawalang desperadong tres ni Michael Yong matapos na depensahang mabuti nina Ramil Tagupa at Enrico Villanueva.
Mula sa 55-49 kalamangan ng Blue Eagles, nakahabol ang Falcons sa 57-56 sa pamamagitan ng 11-0 run na kaunaunahang pagkakataon na umabante ang Adamson patungong 1.49 segundo na lamang ang oras.
Sa junior division,tinalo rin ng Blue Eaglets ang Baby Falcons, 85-41.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended