Sinabi rin ni Rodolfo "Boy" Tingzon Jr., presidente ng Philippine Tot Baseball Foundation, Inc., kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Hotel na ang pagho-host ng nasabing multi-national event ay layunin ding makatulong upang maibalik ang ningning ng bansa sa larangan ng baseball.
Bukod sa Amerika, ang iba pang dayuhang koponan na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa event na ito na sanctioned ng World Baseball Federation ay ang Australia, Chinese-Taipei, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mexico at Singapore.
Mayroong kompetisyon sa apat na kategorya: Para sa mga manlalaro na may edad 12-pababa, AA para sa 15-under, AAA para sa 18-under at Seniors. Ang Pilipinas ay nagpadala lamang ng lahok para sa AA division kung saan dito malaki ang kanilang tsansa na makamit ang korona.
Nagsagawa rin ang PTBFI na binuo noong1975 at ngayon ay isa ng pinakamalaking youth baseball organization sa bansa ng educational scholarship at cross-cultural experiences para sa mga kabataan sa pamamagitan ng baseball.
Bukod sa SBMA, ang nalalapit na event ay suportado rin ng Funtastic Subic, Freeport Services Corp.,, Philippine Amateur Baseball Association sa pangunguna ni Hector Navasero at ng Philippine Sports Commission sa ilalim ng liderato ni chairman Carlos Tuason.