^

PSN Palaro

World Baseball Grand Prix sa Subic Bay

-
Tinatayang aabot sa 9 na koponan na kinabibilangan ng Amerika ang magpapakita ng aksiyon sa 1st Pan-Pacific Junior Baseball Championship, na bahagi rin ng World Baseball Grand Prix na gaganapin sa Agosto 24-30 sa Remy Field sa Subic Bay Freeport Zone.

Sinabi rin ni Rodolfo "Boy" Tingzon Jr., presidente ng Philippine Tot Baseball Foundation, Inc., kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Hotel na ang pagho-host ng nasabing multi-national event ay layunin ding makatulong upang maibalik ang ningning ng bansa sa larangan ng baseball.

Bukod sa Amerika, ang iba pang dayuhang koponan na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa event na ito na sanctioned ng World Baseball Federation ay ang Australia, Chinese-Taipei, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mexico at Singapore.

Mayroong kompetisyon sa apat na kategorya: Para sa mga manlalaro na may edad 12-pababa, AA para sa 15-under, AAA para sa 18-under at Seniors. Ang Pilipinas ay nagpadala lamang ng lahok para sa AA division kung saan dito malaki ang kanilang tsansa na makamit ang korona.

Nagsagawa rin ang PTBFI na binuo noong1975 at ngayon ay isa ng pinakamalaking youth baseball organization sa bansa ng educational scholarship at cross-cultural experiences para sa mga kabataan sa pamamagitan ng baseball.

Bukod sa SBMA, ang nalalapit na event ay suportado rin ng Funtastic Subic, Freeport Services Corp.,, Philippine Amateur Baseball Association sa pangunguna ni Hector Navasero at ng Philippine Sports Commission sa ilalim ng liderato ni chairman Carlos Tuason.

AMERIKA

ANG PILIPINAS

BASEBALL

BUKOD

CARLOS TUASON

FREEPORT SERVICES CORP

FUNTASTIC SUBIC

HECTOR NAVASERO

HOLIDAY INN HOTEL

PAN-PACIFIC JUNIOR BASEBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with