At kahapon, isa pang pagkakataon ang ibinigay ng FIBA sa BAP kung saan kinakailangang resolbahin ng dalawang paksiyon ang anumang gusot na naganap na dahilan ng pagkakasuspindi ng FIBA sa loob lamang ng pitong araw kung nais nilang makapagpadala ng delegasyon sa basketball event ng SEAG.
Isang proposal ang ipinadala ng FIBA na nataon sa gaganaping POC general assembly na naka-address mismo para kina Literal at Puyat na nagsasaad ng anim na kundisyon na kailangang sundin ng dalawa.
Itoy ang mga sumusunod:
Ipagpapatuloy pa rin ng FIBA ang kanilang suspensiyon sa BAP na kanilang ipinataw noong Hunyo 22 ng taong kasalukuyan, na maaalis lamang ito kung magkakasundo ang dalawang grupo hanggang sa Agosto 31 ng taong ito.
Pero nakasaad din sa nasabing proposal na kung hindi pa rin magka-kasundo ang dalawang grupo sa itinakdang araw, mapilipitan ang FIBA at IOC na magpadala ng kani-kanilang mga kinatawan dito sa Manila sa Setyembre 1 upang personal na kausapin ang dalawang umaangkin na pinuno ng nasabing asosasyon.
Dapat ding magpadala ang dalawang partido bago dumating ang itinakdang pitong araw na palugit sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat na sumasang-ayon sila sa mga nasabing kundisyon.
At sa kaso naman na kung puwedeng makapagpadala ang bansa sa biennial meet, nagmatigas ang FIBA at sinabi nitong maaari lamang makapagpadala ang bansa ng lahok kung magkakasundo ang dalawang pangulo sa ibinigay na pitong araw na palugit, ngunit kung hindi, wala ng koponan ng basketball na ilalahok sa SEAG.