Ildefonso nangunguna sa MVP

Kapag ang biyaya ay dumating para kay Danny Ildefonso, ito ay tuluy-tuloy.

Muling inilagay ng sentro ng San Miguel Beer ang kanyang sarili sa isang panibagong major award matapos na manguna para sa karera ng Most Valuable Player ng Philippine Basketball Asosciation.

Matapos ang elimination round ng kasalukuyang Commissioner’s Cup, dominado ni Ildefonso ang karera matapos na makakuha ng 690 puntos kung saan naungusan niya ang sophomore na si Davonn Harp ng Red Bull matapos ang elimination round.

Bumagsak sa ikaanim na puwesto ang 25-anyos na ipinagmamalaki ng Urdaneta na si Ildefonso sa scoring sa kanyang 15.6 puntos kada laro, ikapito sa rebounding na may 7.9 at ikalawa naman sa assists at sa lahat ng corners ay nagtala ito ng 5.6 kung saan nakuha ng San Miguel ang No. 1 spot sa quarterfinals na may biyayang twice-to-beat.

Hangad din ng 6-foot-6 na slotman na makamit ang kanyang ikalawang sunod na season MVP at siya ang magiging ikatlong manlalaro sa kasaysayan ng liga na nanalo ng nasabing award sa loob ng magkasunod na taon matapos na magretiro si Bogs Adornado (1975-76) at Alvin Patrmonio (1995-96).

Wala ring sinumang manlalaro sa kasaysayan ng PBA ang nanalo ng apat na sunod na Best Player awards at si Ildefonso pa lamang ang makakasalo ng tatlong manlalaro na naging miyembro ng 25 Greatest Player sina Vergel Meneses ng Swifts noong 1995 sa Governors’ Cup at 1996 All-Filipino at Commissioner’s Cups.

Nasa posisyon rin si Ildefonso na maging ika- 4 na manlalaro na nanalo ng All-Star at season MVP trophies matapos si Benjie Paras noong 1999, Meneses noong 1995 at Patrimonio noong 1991.

Pumangalawa lamang si Harp na may 652 puntos, habang sumunod si Kenneth Duremdes ng Alaska.

Show comments