^

PSN Palaro

Falcons nilapa ng Tigers sa UAAP Basketball

-
Mala-moog na depensa ang inilutang ng University of Santo Tomas para maigupo ang magiting na nakipaglabang Adamson U Falcons, 66-54 kahapon sa 64th season ng UAAP seniors basketball tournament sa Loyola Gym.

Ginawang tuntungan ng España-based dribblers ang tikas nina Derrick Hubalde at Niño Gelig upang trangkuhan ang Uste na maitala ang kanilang unang panalo matapos ang dalawang sunod na talo.

Ito bale ang ika-22 su-nod na talo ng Falcons at ika-16th dikit naman para kay coach Luigi Trillo na nananatiling bokya pa rin matapos na kunin ang coaching job ng Falcons noong nakaraang season.

Nalimita ng Tigers ang Falcons sa unang yugto pa lamang ng labanan nang kanilang hawakan ang 17 puntos na pinakamalaking bentahe sa iskor na 24-7.

Gayunman, nagsikap ang Adamson na makabalik nang magpakawala ng tatlong sunod na basket sa pagtikada ng ikalawang quarters para sa 20-2 run na naglapit ng iskor sa 27-26.

Pero agad ding sumagot si Hubalde ng dalawang tres na siyang nag-hatid sa Tigers ng 32-29 kalamangan.

Sa juniors games, iginanti naman ng Adamson Baby Falcons ang kabiguan ng kanilang senior team nang payukurin ang UST Cubs, 66-60, habang dinurog naman ng De La Salle U ang UE Pages, 70-49.

ADAMSON

ADAMSON BABY FALCONS

ADAMSON U FALCONS

DE LA SALLE U

DERRICK HUBALDE

ESPA

GAYUNMAN

LOYOLA GYM

LUIGI TRILLO

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with