Kinailangan ni Andam na balewalain ang matinding pressure na nakaatang sa kanyang mga balikat bago niya nagapi ang kalabang si Charlie Williams ng Amerika, 11-9.
Ang panalong ito ni Andam, nag-iisang Pinoy na nakaligtas mula sa seven-man team na ipinadala rito ang nalalabing pag-asa ng bansa matapos na makapasok sa quarterfinals ng mahigpitang tournament na ito sa daigdig.
Hindi naman naligtasan ni Lining ang matinding hamong ibinigay sa kanya ni Chia Hsiung Lai ng Chinese-Taipe makaraang yumukod ito sa iskor na 11-7 at mapatalsik sa kontensiyon kasama nina Efren Bata Reyes, Francisco Bustamante, Ramil Gallego, Warren Kiamco at Rodolfo Luat na magiging spectators na lamang.
Matinding determinasyon agad ang ipinamalas ni Andam, nagbulsa ng 1995 Dallas Open sa Texas nang kanyang talunin si Charlie Williams upang kunin ang 9-5 kalamangan na siya niyang naging tuntungan sa kanyang panalo.
Ngunit bahagyang nagbigay ng malaking banta si Williams matapos na humabol ito sa 9-8 sa pamamagitan ng pagwalis ng tatlong sunod na games.
Mula dito, naging mahigpitan na ang labanan ng dalawang cue artist kung saan patuloy na nakadikit ang Amerikano hanggang sa 10-9, ngunit kinapitan ng suwerte si Andam sa huling frames nang tuluyan na niyang linisin ang lamesa.
Dahil sa kanyang panalo, makakaharap ni Andam ang Canadian na si Alain Martel na nanalo kontra British Chris Melling 11-9 sa quarter-finals.
Ang panalong ito ni Andam ang posibleng dumuplika sa tagumpay ni Luat noong nakaraang taon ay nagbigay sa kanya ng garantisadong $8,500 na ang magka-kampeon ay mag-uuwi ng $65,000.
"Suwerte na, panalo tayo," pahayag ni Andam, nagbulsa rin ng titulo sa Target Pool Championship sa Las Vegas, Nevada noong 1993 at Tennessee State 9-Ball Championship sa Chattanooga, TN noong 1994 sa isang telephone interview ni Mario Roxas.
Sa iba pang quarterfinals match, mapapasabak naman si Niels Feijen ang Dutch "Terminator"na siyang nagpatalsik kay Reyes sa round of 32 sa Finn Mika Immonen na nanalo kontra Anthony Ginn ng England, 11-2, habang makikipagtumbukan si Ralf Souquet na namayani kontra Chin Shun Yang ng Taiwan, 11-3 kay Marcus Chamat ng Sweden.