Sosyo sa liderato hangad ng DLSU Archers sa UAAP Basketball
July 20, 2001 | 12:00am
Makisosyo sa liderato ang pupuntiryahin ngayon ng defending champion De La Salle University sa kanilang pakikipagbangga sa University of the East sa 64th season ng UAAP seniors basketball tournament sa Loyola Gym.
Maghaharap ang Green Archers at Warriors sa alas-4 ng hapon bilang main game kung saan hangad ng Taft-based cagers na maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo na maghahatid sa kanila na samahan ang Far Eastern U sa pangunguna na may malinis na 2-0 record.
Nais ng Archers na maduplika ang kanilang magaang na panalo kontra sa Ateneo Blue Eagles noong Hulyo 15 sa iskor na 91-76, ngunit batid nila na iba ang kanilang makakaharap na isa ring tigasin kung kayat kailangan ng tropa ni Franz Pumaren ng mas dobleng higpit sa depensa.
"We havent really had the time to practice as a team so cohesion is our main concern, plus the fact that we have many new players who have yet to learn our system," wika ni Pumaren na ang kanyang koponan ay naghahangad ng ikaapat na sunod na korona.
Muling nakasalalay sa mga balikat nina Mark Cardona at Ren Ren Ritualo na silang naging susi sa unang panalo.
Pero siguradong di rin pahuhuli ang Recto-based dribblers dahil nais nilang tabunan ang 94-74 kabiguan na nalasap sa mga kamay ng NU Bulldogs noong Hulyo 15 kung kayat inaasahang eksplosibong laro ang kanilang aasahan.
Ang aksiyon ay bubuksan ng sagupaan sa pagitan ng UST Cubs at Baby Falcons sa alas-9:30 ng umaga, bago susunod ang paghaharap ng UE Pages at De La Salle Bengals sa alas-11:30 ng umaga.
At sa isa pang seniors game, magtitipan naman ang UST Tigers at ang Adamson Falcons sa alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended