Dahil ang punch line na ito ni Reyes ay di na magkakaroon ng kaganapan para sa kanya kundi doon sa ibang kasamang cue artists.
Itoy matapos na ang ipinagmamalaki at mahusay na pambato ng bansa na si Reyes, 1999 World champion ay masibak sa round of 32 knockout matches sa kontensiyon ng 2001 Admiral World Pool Championship na ginaganap sa Cardiff, Wales England kahapon ng madaling araw.
Ginawang sandigan ni Niels Feijen ng Netherlands ang kanyang husay sa placings upang payukurin ang 48-anyos na si Reyes, tubong Pampanga sa iskor na 9-5.
"Its a lot of fun with the orange guys going ballistic every game I won a rack. Efren had the support of most of the crowd early on so they were a great. "Its a lot of fun with the orange guys going ballistic hero," ani Feijen, isang 24-anyos na part time club deejay sa Hague na ang kanyang panalo ay maituturing na isang malaking achievement sa kanyang career.
Bunga ng panalong ito, makakaharap ni Feijen si Ralph Eckert ng Germany na nanalo naman sa kanyang kababayang si Thirsten Hoh-mann, 9-8 sa round of 16 matches ngayon.
Suportado ng kanyang mga kababayan, agad na ipinamalas ng Dutch ang kanyang mahusay na pagtatago ng bola nang kanyang kunin ang 1-0 kalamangan. Pero nagawang itabla ni Reyes ang iskor sa 1-1 nang sumablay ang banda ng kanyang kalaban.
Ngunit di nagawang ipanalo ni Reyes ang sumunod na laro nang sa pagsargo ng bola ay walang pumasok na nagbigay daan upang tumayo ang Dutch na di naman pinatagal ang laban at kanyang winalis ang lamesa para sa 4-1 bentahe.
Nabigyan uli si Reyes ng tsansa na makahabol nang sumablay ang sargo ni Feijen para sa 4-3, ngunit talagang kinapitan ng kamalasan ang Pinoy cue artist matapos na sumargo dahilan upang muling manalasa ang kanyang kalaban.
Sa pagkakataong ito, matapos ang ilang placings na tira ng dalawa, tila napaganda pa sa kalaban ni Reyes ang takbo ng laro at nagpa-tuloy ito sa paglayo nang tumbukin ang 7-3 kalamangan.
Di pa rin nawalan ng loob si Reyes nang mabigyan ng pagkakataon matapos na mapigil si Feijen, dito nakapuntos si Reyes ng dalawang games at nakalapit sa 7-5, subalit sa sumunod na frame ay wala siyang naipasok na bola kung kayat ito ang naging daan upang tuluyan ng maputol ang kanyang pag-asa sa susunod na round nang walisin na ng Dutch ang laban.
Ang kahihiyan ng bansa ay naisalba naman nina Leonardo Andam at Antonio Lining nang kapwa maipanalo ang kani-kanilang laban.
Pinatalsik ni Andam si Satoshi Kawabata ng Japan, 9-6 na nagbigay sa kanya ng karapatan upang harapin si Charlie Williams ng Amerika na nanalo naman kontra Lee Turker ng England, 9-8.
Dinispatsa ni Lining si Oliver Ortmann ng Germany, 9-8 upang harapin si Chia Hsiung Lai ng Taiwan na nagwagi kontra sa Amerikanong si Johnny Archer, 9-4 sa round-of 16.
Ang iba pang matches ay katatampukan nina Ralf Souquet ng Germany na haharap kay Chin Shun Yang ng Taiwan; Adreas Roshiwski ng Germany na sasagupa kay Marcus Chamat ng Sweden; Jeremy Jones ng Amerika na makakalaban ni David Alcaide ng Spain at Alain Martel ng Canada na mapapasabak kay Chris Meilling ng England.