Double play off sa PBA Commissioner's Cup
July 20, 2001 | 12:00am
Sino ang maagang magbabakasyon? Sino ang uusad sa quarterfinal round ng PBA Commissioners Cup?
Ang dalawang katanungang ito ay masasagot ngayon sa dalawang playoff para sa huling dalawang slot sa 8-team quarterfinals na gaganapin sa Cuneta Astrodome.
Magsasagupa ngayon ang Pop Cola Panthers at Tanduay Gold Rhum sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon at ang Mobiline Phone Pals at Shell Velocity naman ang magkikita sa ikalawang laro, dakong alas-7:30 ng gabi.
Nakataya ang no. 8 slot sa engkuwentro ng Phone Pals at Turbo Chargers at ang karapatang hamunin ang defending champion San Miguel Beer sa quarterfinal phase habang ika-pitong puwesto naman ang paglalabanan ng Panthers at Rhum-masters at ang karapatang kalabanin ang Purefoods. TJ Hotdogs.
Base sa format, ang no.1 team ay haharap sa no. 8; no. 2 vs no. 7; no. 3 laban sa no. 6 at no. 4 kontra no. 5. Ang top four team ay may bentaheng twice-to-beat kayat ang no.5 hanggang no. 8 teams ay nangangailangang manalo ng dalawang beses para makausad sa best-of-five semifinal series.
Naitakda na ang quarterfinal match-up ng Aces at Realtors gayundin ang Red Bull at Gin Kings kayat ang Beermen at TJ Hotdogs na lamang ang naghihintay ng kalaban.
Humantong sa double playoff ang labanan makaraang mabigo ang Phone Pals kontra sa Sta. Lucia, 77-81 noong Miyerkules na nagbunga ng four-way tie sa 3-6 record.
Ayon sa league rule para sa double playoff, ang no. 7 ay haharap sa no. 10 at no. 8 kontra sa no. 9. Ang Pop Cola ang may pinakamataas na qoutient, kasunod ang Mobi-line, Shell at kulelat na Rhum-masters.
Magpapahinga ang liga sa Linggo upang bigyang daan ang All Star Games at ang quarterfinal round ay magsisimula sa Miyerkules kung saan agad na mapapasabak ang mananalo ngayon sa pagitan ng Phone Pals at Turbo Chargers kontra sa Beermen, na susundan naman ng laban ng Aces at Realtors. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended