^

PSN Palaro

Silver medal inukit ni Querimit

-
TAICHUNG, Taiwan-Tumapos ang Southeast Asian Games-bound Arnel Querimit ng ikalawang puwesto sa 138 kms. open individual road race upang ibulsa ang silver medal sa 21st Asian Cycling championships na pinagwagian ni Wong Kam Po noong Lunes dito.

Ito ang ikalawang silver medal ng Pilipinas sa nasabing bikefest na nilahukan ng 13 bansa na kinabibilangan ng Japan, Vietnam, Malaysia, South Korea, Mongolia, Indonesia, Iran, Kazakshtan at Saudi Arabia.

Tumersera si Junichi Shibuya ng Japan sa kanyang itinalang 3:03:35, habang gumuhit naman si Wong ng 3:03:31.850 at 3:03:33.146 ang 22-anyos na si Querimit, tubong Pozorubio, Pangasinan.

Ang unang silver ng bansa ay mula kay Paolo Manapul na kanyang naukit mula sa Velodrome elimination race event kung saan sinabi ni Philippine Amateur Cycling Association secretary general Armando Bautista na ang performance na ito ng Nationals ay sapat na para sa magandang kinakaharap sa nalalapit na SEA Games sa September.

Tatlong iba pang dating record na natabunan sa bikefest na ito na nagsilbing training ng nationals riders para sa biennial meet.

Tinabunan ng troika nina Wilson Blas, Nilo Estayo at Ernesto Medina ang dating record na 1:07.00 na naitala sa Tehran noong 1995 makaraang magrehistro ng 1:05 sa Olympic sprint event.

Tumawid ng finish line ang Tour of Luzon champion Victor Espiritu sa tiyempong 4:58:62 sa individual pursuit event upang higitan ang dating markang 5:01 na naiposte sa Korea noong 1996.

Binasag din ng RP squad sa pangunguna ni Espiritu na sinuportahan nina Manapul, Lloyd Reynante at Paterno Curtan Jr., ang dating record sa SEAG at Asian Games na 4:40:00 sa oras na 4:35:29 sa team pursuit event.

ARMANDO BAUTISTA

ARNEL QUERIMIT

ASIAN CYCLING

ASIAN GAMES

ERNESTO MEDINA

JUNICHI SHIBUYA

LLOYD REYNANTE

NILO ESTAYO

PAOLO MANAPUL

PATERNO CURTAN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with