NU Bullpups yuko sa UE Pages sa UAAP Junior Basketball Tournament
July 18, 2001 | 12:00am
Naging maganda ang debut game ng University of the East Pages nang kanilang payukurin ang National Bullpups, 78-64 sa pagpapatuloy ng 64th season ng UAAP junior basketball tournament na ginanap kahapon sa UST gym.
Ang panalo ay naghatid sa Pages na makasalo ang defending champion Ateneo Baby Eagles sa maagang pangunguna.
Tinalo ng Ateneo ang La Salle Bengals noong nakaraang Linggo sa Araneta Coliseum, 77-66.
Nalimita ng UE ang NU sa field goal shooting sa kanilang kinanang 34-of-74 para sa 46% shooting habang nagtala lamang ang NU ng 24-of-70 para sa 34% shooting.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyan pang naglalaban ang University of the Philippines at ang Adamson University sa isa pang junior game.
Samantala, dinomina ng University of the Philippines Lady Maroons ang UST Lady Tigers upang itala ang unang panalo sa iskor na 65-49 sa womens basketball.
Naghabol ang Lady Maroons mula sa 0-4 panimula, ngunit nakahabol ito sa pamamagitan ng dalawang tres at isang basket para sa 8-0 bomba na nagdala sa kanila sa pangunguna, 8-4 na hindi na nila binitiwan pa.
Nakalapit ang Lady Tigers sa 27-34 bago matapos ang halftime mark, ngunit higit pang lumaki ang kalamangan ng UP sa ikatlong yugto ng laro sa 42-29.
Kontrolado ng UP ang board sa 53 kumpara sa 38 ng UST at naging mas maganda ang kanilang shooting sa itinalang 36% kontra sa 29% ng Lady Tigers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am