77th NCAA Basketball Tournament; 3rd win puntirya ng CSB Blazers
July 18, 2001 | 12:00am
Sisiguraduhin ng defending champion College of St. Benilde na makuha ang kani-ang ikatlong sunod na panalo na maglalagay sa kanila sa pakikisosyo sa liderato sa kanilang nakatakdang banatan ng host Philippine Christian University sa pagpapatuloy ng 77th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo ng Blazers sa Dolphins sa ala-1:30 ng hapong sultada ang magkakaloob sa kanila ng karapatang samahan sa pangunguna ang pahingang Jose Rizal University na nagtataglay ng malinis na 3-0 panalo-talo karta.
Bagamat nasa ilalim ng standing sanhi ng 0-2 panalo-talo karta, hindi dapat maging kumpiyansa ang Blazers dahil siguradong gagawa ng eksplosibong hamon ang PCU upang wakasan ang kanilang dala-wang sunod na talo.
"One wisdom I reminded them is that, every other team will be after our neck since we are the defending champions. We are not yet in the finals, so theres still no room to relax since we have to maintain that intensity while tracking the rough road to our bid for a back-to-back crown," pahayag ni coach Dong Vergeire na di pa alam kung papatawan ng one game suspension bunga ng pagkaka-thrownout nito sa laro bunga ng dalawang technical foul sa huling laro nila kontra sa San Beda College.
Siguradong hahataw ng husto sina Sunday Salvacion, Alexandre Magpayo at Jon Dan Salvador katulong si Mark Magsumbol at ang beteranong point guard na si Manuel Diloy III upang iangat ang Blazers.
Sa panig naman ng Dolphins, tiyak na muling magla-latag ng mala-lintang depensa ang PCU upang pigilin ang Blazers sa kanilang tangkang ikatlong panalo.
Samantala, nakatakdang maghiwalay ng landas ang Letran Knights at ang San Beda College sa kanilang pang-alas-5:30 ng hapong labanan.
At sa dalawang juniors game, maglalaban naman ang St. Benilde at ang PCU sa alas-12 ng tanghali, bago magha-harap ang Squires at ang Red Cubs sa alas-3.(Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended