Chambers 'Lucky charm' ng Alaska
July 16, 2001 | 12:00am
May dalang suwerte si Sean Chambers sa Alaska Aces na nagpa-malas ng isang impresibong laro kahapon na nagbigay ng pag-asa sa Aces na makapasok sa top-four ng PBA Com-missioners Cup.
Nakabangon ang Alaska sa kanilang four game losing streak nang kanilang dominahin ang laro kontra sa Mobiline Phone Pals tungo sa 101-67 panalo sa penultimate day ng eliminations sa Ynares Center kahapon.
Humataw sa first half ang Aces at nagtala ng 43 puntos na kalamangan sa ikatlong quarter na naging daan sa kanilang ikali-mang panalo sa kabu-uang 9 na laro.
Kung mas maganda ang kanilang quotient laban sa kanilang maka-katabla sa 5-4 ay matutularan nito ang defending champion San Miguel (7-2) at Batang Red Bull (6-2) na may bentaheng twice-to-beat na ipagkakaloob sa apat na koponang mangunguna sa pagtatapos ng eliminations.
Matapos magtala ng career high na 43 puntos sa 94-89 panalo sa overtime game kontra sa Tanduay, 9-araw na ang nakalipas, si Paul Asi Taulava ay nalimitahan sa 14 puntos na naging sanhi ng kanilang kabiguan
Ibinandera ng Alaska ang pinakamalaking kalamangan na 70-27 sa bungad ng second half na naibaba lamang ng Phone Pals sa 23 puntos.
Tumapos si Chambers, na humalili kay Terrance Badgett na nagkaroon ng injury sa rib cage ng 15 puntos sa likuran ni Ali Peek at Kenneth Duremdes na may 18 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Bunga ng limang talo sa 8 laro, obligado ang Phone Pals na ipanalo ang kanilang laban kontra sa Sta. Lucia Realty sa huling araw ng elimination upang awtomatikong makapasok sa susunod na round at makaiwas sa playoff na kinahantungan ng Pop Cola at Tanduay na kapwa nagtapos na may 3-6 karta. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended