At sa kanilang nakatakdang unang asignatura sa alas-4 ng hapon, umaasa ang Morayta-based dribblers runner-up noong nakaraang taon sa kampeong De La Salle University na magiging matagumpay ang kanilang debut game kontra sa tigasin ding four-peat University of Santo Tomas.
"I got a commitment from my players that this wont be another fight-for-second season," wika ni coach Coy Banal.
At para masiguro ang tagumpay ng Tamaraws, dalawang dating manlalaro ni Banal mula sa Philippine School of Business and Arts ang kanyang hinugot itoy ang 5-11 na si Dennis Miranda at ang
6-foot-4 na si Mark Isip na aasahang tatakip sa butas na iniwan nina Bacani at Cruz.
Siguradong magpapasiklab si Miranda, miyembro ng National Youth team at isang matikas na shooter na siyang kailangan ni Banal, habang magbibigay naman ng malaking tulong si Isip sa opensa.
Bukod sa dalawang swingman, tutulong din sa kampanya ng Tamaraws sina Rysal Castro, Miko Roldan, Michael Tolentino, Gerard Jones at Dwight Chavez.
Kung pagbabasehan ang kanilang personal record noong nakaraang season, angat ang Tamaraws kung saan dalawang ulit nilang tinalo ang Growling Tigers sa dala-wang beses nilang paghaharap, 65-54 at 61-57.
Ngunit para kay coach Aric del Rosario, tiniyak niya na mahihirapan na ang Tamaraws na talunin sila dahil ang kanilang naging kahinaan noong nakaraang taon ay kanya ng nagawan ng solusyon.
At ang lahat ng ito ay nakaatang naman sa mga balikat nina Kenneth Co, Melchor Latoreno, Cyrus Baguio at Gilbert Lao na siguradong magsisikap na kumayod ng husto upang tapalan naman ang pag-kawala ng sentrong si Marvin Ortiguerra at ni Arnie Tuadles Jr., na hindi na nag-ensayo sa di malamang dahilan.
Bago masilayan ang matinding aksiyon sa pagitan ng FEU at UST, isang maikli ngunit magarbong opening ceremonies na tatampukan ng palabas ang masasaksihan ng mga panatiko ng basketball sa ala-1 ng hapon na mapapanood sa Studio 23 na pangangasiwaan ng Asian Basketball Academy Philippines.
Sa isa pang laban, magha-harap naman ang University of the Philippines at Adamson U sa alas-2. (Ulat ni Maribeth Repizo)