Debut ni Watson binigo ng Beermen
July 14, 2001 | 12:00am
Sa likod ng pagpapalit ng import ng Pop Cola, diniskaril ng defending champion San Miguel Beer ang kampanya ng Panthers na mapalakas ang kampanya sa umiinit na eliminations ng PBA Commissioners Cup.
Pinahiya ng SMBeer ang bagong saltang si Jaime Watson na pumalit kay import Jason Sasser nang kanilang pasubsubin ang Pop Cola, 107-76 kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Bagamat no-bearing na sa Beermen ang larong ito dahil nakaka-siguro na ito ng twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top four teams, naging mapusok ang San Miguel sa unang bahagi pa lamang ng labanan upang agad na umabante sa 59-23 at umabot pa sa 40 puntos ang kanilang pinakama-laking kalamangan.
Pinangunahan ni import Nate Johnson ang pananalasa ng Beermen sa first half kung saan mayroong 63% ang San Miguel sa field goal shooting na 25-of-40 kumpara sa Panthers na may 29% lamang mula sa 10-of-35 field goal shooting matapos ang unang dalawang quarters.
Buhat sa 4-all, isang 21-6 atake ang pinakawalan ng SMBeer sa pagtutulungan nina Johnson, Danny Ildefonso at Freddie Abuda upang tapusin ang unang canto sa 25-10 kalamangan at di na muling lumingon pa.
Ito ang ikapitong panalo ng Beermen sa kabuuang 9-laro at nakakasiguro na ito ng no. 1 ranking patungo sa quarterfinals phase kung saan ang pairings ay no. 1 vs no. 8; no. 2 kontra no. 7; no. 3 laban sa no. 6 at no. 4 vs no. 5.
Nalasap naman ng Pop Cola ang ikatlong sunod na talo at ikaanim sa kabuuang 9-laro. Ang tanging pag-asa ng Panthers para makausad sa susunod na round ay umasang hindi makaapat na panalo ang Mobiline Phone Pals at Tanduay Gold Rhum.
Naibandera ng San Miguel ang pinakamalaking kalamangan na 63-23 matapos ang basket ni Danny Ildefonso sa kaagahan ng ikatlong quarter at ito ay di na nakayanan pang tibagin ng Panthers.
Tanging nagawa ng Pop Cola ay ibaba sa 24 puntos ang agwat ng Beermen, 91-67 sa ika-apat na quarter, ngunit hindi naman nagpabaya ang tropa ni coach Jong Uichico na muling humataw at tapusin ang laro na may 31 puntos na kalamangan.
"Wala kaming alam na nagpalit sila ng import, nagkataon lang na nag-a-adjust pa ang import nila sa sistema, nagkataon lang rin na maganda ang laro namin," sabi ni San Miguel Beer coach Jong Uichico.
Habang sinusulat ang artikulong ito ay kasalukuyang nakikipaglaban ang Tanduay Rhummasters kontra sa Batang Red Bull bilang main game. Ikaanim na slot sa quarters ang hangad ng Tanduay habang ikalawang slot naman sa top four ang puntirya ng Thunders.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended