Pagbabago sa groupings ng ABC
July 13, 2001 | 12:00am
Kinumpirma ng Asian Basketball Confederation ang opisyal na pagbabago ng groupings para sa 21st LG Asian Basketball Championship for Men na iprinisinta ng Amway na gaganapin sa China simula sa Hulyo 20-28 sa Shanghai International Gymnastics Centre.
Itoy matapos ang ginawang re-draw sa headquarters sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon ng umaga.
Maliban sa kanilang laban kontra Qatar, pamumunuan ng defending champions China ang Group A na inaasahang magaang na makakalaban ang kanilang dalawang iba pang kalaban sa Preliminary Round ang Hong Kong-SAR at Thailand.
Nasa Group B naman ang 1999 Asian Mens runnerup Korea, UAE, West Asia 1 at Singapore. Napasama ang Singapore matapos na palitan ang Philippines makaraang masuspindi ng International Basketball Federation (FIBA) noong Hunyo 22, 2001 sanhi ng kaguluhang nangyayari sa liderato ng Basketball Association of the Philippines simula noong nakaraang taon pa.
Ang Group C ay kinabibilangan ng Chinese Taipei, Uzbekistan at India, habang magkakasama sa Group D ang Japan, Kuwait at ikalawang representante mula sa West Asia.
Makukumpirma ang dalawang kinatawan ng West Asia sa Sabado ng gabi matapos ang huling laban ng WABA qualifying tournament, ayon sa West Asia Basketball Association Secretary General Hagop Khajiran.
Sa kasalukuyan, hawak ng Lebanon na may 8 puntos ang liderato, sumunod ang Iran, Iraq at Syria, na pawang may tig-anim na puntos at 4 na puntos ang Jordan. Kailangan na lamang ng Lebanon na maipanalo ang isa sa kanilang nalalabing tatlong laro para ma-qualify.
Ang nasabing re-draw ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Malaysian media at opisyal ng ibat ibang embahador ng mga kalahok na bansa na ginanap bandang alas-13:030 ng umaga kahapon ni ABC Secretary General Dato Yeoh Choo Hock kasama si Mr. P. Haridas na siyang General Manager ng Olympic Council of Malaysia.
Kinailangan ni Yeoh na tumawag ng redraw matapos ang naunang grouping dahil sa hindi pagiging balanse ng bawat grupo kung saan umatras ang North Korea at Saudi Arabia sa 21st LG Asian Basketball Championship for Men. Pipiliin sa event na ito ang Asias representatives finalists para sa susunod na World Basketball Championship sa Indiana-polis,Indiana,USA.
Nag-withdraw ang North Korean Basketball Association at ang Saudi Arabian Basketball Federation sanhi ng ibat ibang injury ng kani-kanilang manlalaro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended