Mapua binomba ng JRU sa NCAA Basketball Tournament
July 13, 2001 | 12:00am
Naisukbit ng Jose Rizal University ang ikalawang sunod na panalo nang kanilang pasadsarin ang Mapua Institute of Technology, 62-56 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Dinuplika ng JRU Heavy Bombers ang kanilang 55-54 pamamayani kontra sa five-peat titlists San Sebastian College noong opening day sa Araneta Coliseum upang mapaigting ng Jose Rizal ang hawak sa liderato.
Nagbanta ang MIT Cardinals na agawin ang tagumpay nang sila ay makalapit sa 51-55 bago tumuntong ang huling dalawang minuto ng labanan, ngunit nagawa pang maipagpatuloy ng JRU ang kanilang adhikain.
Nagsanib ng puwersa sina Joel Finuliar at John Dale Valena sa paghakot ng pitong puntos mula sa free throw area na naging daan tungo sa kanilang ikalawang dikit na panalo.
Pinangunahan ni Nathaniel Gregorio ang Jose Rizal sa paghakot ng 14 puntos bukod pa sa kanyang 10-rebounds katulong sina Joel Villarin at Ariel Capus na may 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nauna rito, iginanti naman ng kanilang junior counterparts na MIT Red Robins ang naging kabiguan ng kanilang senior team matapos na bugbugin ang Light Bombers, 86-54.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended