^

PSN Palaro

Mga anak ng PBA players susunod kaya sa yapak nila?

-
Sa nakalipas na dalawang dekada, naging matunog ang pangalan nina Abet Guidaben, Freddie Hubalde, Jimmy Manansala at Sonny Cabatu sa Philippine Basketball, at ngayon ang mga anak na nila ang siyang susunod sa kanilang mga yapak.

At sa pagbubukas ng 64th UAAP basketball season sa Sabado sa Araneta Coliseum, masisilayan na ang tikas ng kani-kanilang mga anak kung ito ay susunod sa kanilang mga yapak o hihigit pa.

Lalaro sa kanyang ikalawang taon si Alberto Guidaben Jr., para sa koponan ng UP Maroons sa ilalim ni coach Ryan Gregorio. Ang 6-foot-1 na nakababatang Guidaben ay lalarong point guard taliwas sa kanyang ama na sentro ang posisyon. Naglaro rin siya sa Ateneo ng ito ay nasa high school pa.

Dalawang anak naman ni Freddie Hubalde ang sumunod sa kanyang landas--ito’y ang six-foot-two na si Frederic na matangkad gaya ng kanyang ama at isa sa matinik na shooters mula sa 3-point range at bahagya ng nanalo ng Rookie of the Year sa nakalipas na dalawang season. Siya ay nasa ikatlong taon na sa ilalm ni coach Aric del Rosario ng UST at isa sa magiging susi ng Growling Tigers sa kanilang kampanya ngayong taon.

Bahagya namang maliit ng dalawang inches ang kanyang kapatid na si Paolo na isang mahusay na point guard para sa UE na tatatrangkuhan ni coach Boysie Zamar. Sina Derick at Paolo ay kapwa naglaro sa high school ball sa Mapua, ang Alma Mater ng kanilang ama.

Kasama ni Derick Hubalde sa UST ang isa pang anak ng kilalang shooter sa pro loop na si Jimmy Manansala--si Jinino, isang 5’8 guard na may mahu-say na kamay sa labas.

Ngunit ayon sa mga coaches, isa sa pinaka-promising na manlalaro sa liga ay ang 6’5 na si Christian Cabatu na isa sa rookie ng defending champion La Salle ngayong season. Inaasahan pang tatangkad si Cabatu na nahugot ni coach Franz Pumaren sa St. Vincent’s High School.

Ang iba pang mga manlalaro na posibleng sumunod sa yapak ng kani-kanilang ama ay sina Ren Ren Ritualo, anak ni Floreindo Ritualo Jr., na nag-laro para sa Great Taste mula 1973-83 at Richard dela Rosa, anak naman ni Bert dela Rosa na naglaro sa PBA mula 1977-84, pinaghatian din niya ang 321 games sa koponan ng Tanduay at Beer Hausen.

ABET GUIDABEN

ALBERTO GUIDABEN JR.

ALMA MATER

ARANETA COLISEUM

BEER HAUSEN

BOYSIE ZAMAR

CHRISTIAN CABATU

DERICK HUBALDE

FREDDIE HUBALDE

JIMMY MANANSALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with