Makakaharap ng Heavy Bombers ang Mapua Institute of Technology sa ala-1:30 ng hapon, habang magbabanatan naman ang Altas at ang San Sebastian College sa alas-4:30 ng hapon.
Umaasa si coach Boy de Vera na maduduplika ng kanyang mga bata ang unang panalo kontra sa San Sebastian noong nakaraang Sabado.
At dito muling aasahan ng Heavy Bombers sa kanilang ikalawang panalo ang performance nina Ariel Capus, Ernani Epondulan, John Dale Valena, Nathaniel Gregorio at Rendell dela Rea.
Ngunit siguradong di rin pahuhuli ang Cardinals dahil siguradong uusok ang mga tenga nito sa galit upang makabangon sa kanilang 52-61 pagkatalo sa mga kamay ng Perpetual noong Opening kung kayat dobleng kayod ang kanilang ibibigay upang supilin ang Jose Rizal.
"I expect them to work double time dahil malakas nga ang kalaban. We focused our practice more on defensive drills, I just hope things will turn out as expected during the game," ani coach Horacio Lim na siguradong muling sasandal sa balikat nina Steve Marucot, Edsel Feliciano, Victor Maneclang, Michael Bangoy at Erwin Sta. Maria upang iahon ang Cardinals na makapasok na sa win column.
Sa junior, maghaharap naman ang Light Bombers at defending champions Red Robins sa alas-12 ng tanghali, bago magsusukatan naman ng lakas ang Staglets at Altalletes sa alas-3:00 ng hapon.