Tinalo ng 22-anyos at 5-foot-5 na si Bonifacio, isang second-year sa Ateneo Graduate school student ang kalabang si Saichol Kumsan ng Thailand, 1-0 sa kanilang heavyweight finals upang makopo ang kanyang kauna-unahang international title sa nakalipas na apat na taon.
Napanatali ni Bonifacio ang kanyang mahigpit na depensa upang gapiin ang mas matangkad na kalabang Thais na nauna ng sumibak sa kanyang Croatian at Korean rivals.
" I was so thrilled and happy to win," ani Bonifacio na lumahok para sa Petron Philippine team simula noong 1997.
Ang ginto ni Bonifacio ang nagpaangat sa apat na medalyang nauna ng naibulsa ng bansa na naghatid sa Filipinos sa ikaapat na puwesto sa overall sa 56-bansang tournament na ito sa likod ng champion Korea, Spain at Turkey.
Ang iba pang Filipino winners ay sina finweight Roberto Cruz, silver medalist; featherweight Kalindi Tamayo, silver medalists at bantamweight Jasmin Strachan, bronze medalist.
Tinalo ni Tamayo ang kanyang Indonesian at Croatian na kalaban sa unang dalawang bouts, ngunit bumagsak sa kalabang si Zeynet Murat ng Turkey, 1-5 sa finals.
Ang iba pang miyembro ng RP squad na inisponsoran ng Petron at Philippine Sports Commission ay sina Tshomlee Go, Manuel Rivero, Jefferthom Go, Alex Briones, Donald David Geisler, Mark Anthony Rivero, Dindo Simpao, Dax Alberto Morfe, Eva Marie Ditan, Daleen Cordero, Eufreshnee Catalan, Veronica Domingo, Manuel Sy Ycasas, Camela Albino at Sally Solis.
Matapos ang naturang meet, ang mga Pinoy jins ay magti-trained ng isang linggo sa Korean National University of Physical Education at sa Kyung Hee University sa Seoul sa ilalim ng coaches na sina Dr. Noli Gabriel, Noel Veneracion at Jobert Morales.