^

PSN Palaro

Purefoods pinulutan ng Tanduay

-
Napawi na ang init ng Purefoods TJ Hotdogs nang pigilan sila ng Tanduay Gold Rhum at iposte ang importanteng 83-77 panalo sa pag-usad ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena, kagabi.

Winakasan ng Rhummasters ang five-game winning streak ng TJ Hotdogs sa pagposte ng kanilang ikatlong panalo sa 8 walo na naglapit sa kanilang katayuan patungo sa 8-team quarterfinal round.

Kailangan na lamang talunin ng Tanduay ang Batang Red Bull sa kanilang huling asignatura upang hindi na dumaan sa playoff.

Ang Purefoods, na nakasisiguro na ng slot sa quarterfinals tulad ng defending champion San Miguel Beer at Red Bull, ay lumasap ng kanilang ikatlong talo sa 8 laro na naging sanhi ng kanilang pagkaka-udlot sa pagpa-sok sa top four na mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Ngunit may pagkakataon pa ang TJ Hot-dogs na makakuha ng bentaheng ito kung kanilang maipapanalo ang huling laro laban sa Thunder.

Hindi nawalan ng loob ang Tanduay nang maagaw ng Purefoods ang trangko sa pagtata-pos ng ikatlong quarter nang humataw ito sa final canto sa pangunguna ni import Kevin Freeman na umiskor ng 10 puntos sa kanyang tinapos na 23 puntos.

Binuksan ng Tanduay ang ikaapat na quarter sa pamamagitan ng 19-5 salvo para sa 77-70 kalamangan ngunit nakalapit ang TJ Hotdogs ng umiskor ng basket si EJ Feihl at pumukol ng tres si Noy Castillo para sa 75-77 iskor, 2:32 ang oras sa laro.

Ngunit nabigong umiskor ang Purefoods sa mga krusiyal na oras ng labanan kasabay ng paghakot ni Freeman ng 6 puntos para sa panigurong 83-75 kalamangan, 33.8 segundo na lamang ang nalalabing oras.

Umahon ang Purefoods mula sa 8 points deficit nang pangunahan ni Patrimonio ang isang mainit na 22-8 run katulong sina Castillo at Wood upang iselyo ang ikatlong quarter na taglay ang 65-58 kalamangan matapos ang 7-0 produksiyon ng 4-time MVP.

Sa kaagahan ng labanan, nagawa nang umabante ng TJ Hotdogs ng 9 puntos, 21-12 ngunit sa pagtutulungan nina Freeman at Hontiveros ay nakabangon ang Tanduay at isara ang first half na taglay ang 42-41 bentahe. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ANG PUREFOODS

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

KEVIN FREEMAN

NGUNIT

NOY CASTILLO

PUREFOODS

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

TANDUAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with