Ang punch line na ito sa kanyang San Miguel Beer TV commercial ang binitiwan ni Reyes, No. 1 cue artist ng bansa na umalis kahapon patungong Cardiff, Wales, England upang sumabak sa WPA World Pool Championship na magsisimula sa Linggo sa July 15.
Walong Pinoy ang kakampanya sa bansa sa isang linggong 9-ball tournament na ipalalabas ng live ng ESPN/Star Sport. Itoy kinabibilangan nina Reyes, Francisco Bustamante, Rodolfo Luat, Leonardo Andam, Ramil Gallego, Antonio Lining, Warren Kiamco at Canada entry Alex Pagulayan.
"I hope one of them wins and brings honor to our country," ani sportsman Aristeo G. Puyat. Si Puyat at ang kanyang kapatid na si Jose G. Puyat ang siyang sponsors nina Reyes nang manalo ito sa nasabing championship noong 1999; Bustamante noong 1999 ng maging semifinalist; Luat na nakarating sa quarter-finals at Andam noong nakaraang taon.
Sina Reyes, Luat, Andam at Gallego ay kasama ng kanilang manager na si Rolando Vicente ay tumulak patungong Cardiff via London sakay ng Air France flight, habang si Bustamante ay manggagaling pa sa Germany kung saan dito ito nagtatrabaho at direktang lilipad patungong England para makasama sa grupo ng Puyat sa Cardiff.
Aabot sa 128 manlalaro mula sa 44 bansa ang kalahok sa $300,000 tournament, ang pinakamataas at mayamang annual pool event sa daigdig.
Mag-uuwi ang mananalo sa nasabing tournament ng $65,000 at pagkakalooban naman ang runner-up ng $30,000 habang ang mga losing semifinalists ay pagkakalooban ng tig-$17,500.