Cebu nais makisosyo
July 11, 2001 | 12:00am
Sosyo sa pamumuno ang target ngayon ng Cebuana Lhuillier Gems sa kanilang pakikipaglaban kontra sa Nueva Ecija Patriots sa alas-5:30 ng hapon sa MBA First Phase sa Cebu City Coliseum.
Gagamiting puhunan ng Gems ang kanilang 116-104 panalo sa FedEx Laguna Lakers noong Linggo kung kayat siguradong may kalalagyan ang Patriots na nag-iingat ng 2-4 win-loss slates.
Siguradong babandera sa opensa ng Gems si Matthew Mitchell upang pagandahin ang kanilang kasalukuyang 6-3 panalo-talo karta at ang kanilang panalo ang maglalagay sa kanila sa pakikisalo sa liderato sa pahingang Negros at San Juan na kapwa nag-iingat ng 7-3 kartada.
Kailangan ng Patriots ng dobleng kayod upang mapaganda ang kanilang katayuan at mapigil naman ang misyon ng Gems.
Samantala, ibig naman ng Socsargen Marlins na maduplika ang kanilang unang panalo sa Davao Eagles sa kanilang pang-alas-3 ng hapong duwelo.
Matatandaan na sa unang pagkikita ng Marlins, tinalo ng Socsargen ang Eagles, 101-85 noong nakaraang Linggo upang maingat ang kanilang katayuan sa 2-6 at ipalasap naman sa Davao ang kanilang ikapitong talo sa walong asignatura.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended