Adaza lusot kay Solomon

CAGAYAN de Oro City-Nalusutan ni Patricia Adaza ng Mati, Davao Oriental ang pananalasa ni Anafil Salomon at payukurin ito sa iskor na 8-2, bago isinunod na biktima si Irene Serito, 8-6 upang makapasok sa finals ng magkahiwalay na divisions sa Adidas Tennis Challenge 2001 dito noong Linggo sa Nazareth Tennis Club.

Makakaharap ni Adaza si Jasper Cabisong, na naka-ungos kay Noela Pacana, 8-7 para sa girls’ 16-under plum, matapos ito, muli niyang makakalaban si Serito na nagposte ng 8-6 panalo kontra Pacana sa girls’ 14-under class title.

Isinaayos naman ni Ed Angelo Diez ng Davao ang kanilang titular showdown ni Duma Ele Boloto ng Marawi na nanalo kontra James Pang, 8-6 sa boys’ 14-under division kung saan makakalaban niya si Alexis La Paz na nagposte ng 8-3 panalo laban kay Raff Laput sa boys’ 16 under category.

Ang iba pang finalists ay kinabibilangan nina Francis Casey Alcantara kontra kay El Santo Santos sa unisex 10-under event at Marvin Serito sa boys’12-under class; Jaylene Tan na haharap kontra Cabsong sa junior women’s 21-under group at Andy Autentico na makikipagpalitan ng paluan kay Ricardo Solon sa junior men’s 21-under.

Show comments