Biag, Emperado namumuno sa Little Chess League
July 10, 2001 | 12:00am
Nagtala ng magkaibang panalo sina top seed Ivan Gil Biag ng Cavite at second seed Emmanuel Emperado ng St. James College of Parañaque upang pamunuan ang 19 iba pang nagsipagwagi sa first round ng Little Chess League training tournament na ginanap kahapon sa 2/F Center Mall, Greenhills Shopping Center.
Tinalo ng 12-anyos at candidate master na si Biag ang kalabang si Samayra Martinez sa 37 sulungan na gamit ang kanyang paboritong Caro-Kann defense, habang pinayukod naman ni Emperado si David Patrick Rosas sa 34 moves ng Sicilian Maroczy Bind variation.
Ang iba pang seeded players na nanaig sa kani-kanilang mga first round assignment ay sina No. 3 Eugene Pimentel, Jayveelyn Fronda, Angelo Macaraig, Abigail Rivas at Paolo Bautista.
Tinalo ni Pimentel ang pinakabatang kalahok, ang 5-anyos na si Emmanuel Garcia sa 30 moves ng English opening.
Ginapi ni Fronda si Joseph Baldonato sa 24 sulungan ng Slav defense, napuwersa ni Macaraig si Christian Sison na mag-resign sa 33 sulungan ng paborito niyang Sicilian defense, habang magaang na pinayukod ni Abigail si John Will Baldonato sa 19 moves ng Larsen opening at hindi gaanong nahirapan si Bautista nang kanyang talunin si Emmanuel Eumir Songcuya II sa 20 sulungan ng Ruy Lopez encounter.
Nauwi sa draw ang sagupaan sa pagitan ng fourth ranked na si Jordan dela Serna at 27th seed Randolf Pascua matapos ang 60 moves ng Caro-Kann.
Ang iba pang round winners sa LCL event na ito na nilahukan ng 46 batang manlalaro ay sina Amram Ezra Rivas, Gabriel Layugan, Jonathan Benoza, Rommele delos Santos, MJ Turqueza, Aaron Rivas, Menachem Loyola, Loren Laceste, Lehi Laceste, Paolo Duay, Mary Claire Cuesta, John Robin Buenavista, Remille Medina at Mark Tañamor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended