Naorasan ang 33-anyos na si Salilan, na tumapos ng ikatlo dito noong nakaraang taon ng 35 minutos at 48 segundo upang pagharian ang men’s division at mag-qualify para sa Milo National Finals na nakatakda sa December sa Metro Manila.
"Medyo nag-pacing lang ako kasi wala naman akong nakitang malakas, eh," ani Salilan na ang kanyang magandang oras na naitala noong nakaraang taon ay 34:20.
Nagdesisyon sina Noel Bautista at Richard Comajig, top two placers noong nakaraang taon na lumiban sa naturang karera kahapon at sa halip sila ay lalahok sa Gen. Santos City leg sa September.
Tumapos naman ng ikalawa ang nakaraang taong fourth placer na si Joewe Bandoy (36:48), habang tumersera si Sulpicio Bargo (36:41).
At sa distaff side, ipinagpatuloy ni Madredia ng Philippine Navy ang kanyang dominasyon nang tapusin ang karera sa tiyempong 43 minutos at 18 segundo, na may 21 segundong ungos sa second placer na si Mona Liza Ambasa (44:37).
"Nitong last four days lang ako nag-ensayo uli. Natutuwa naman ako dahil kahit paano ay na-maintain ko ang pagkakapanalo ko rito," pahayag ng 32-anyos na si Madredia, winner ng anim sa huling pitong Davao City legs at tumersera sa women’s event ng National finals noong nakaraang taon.
Nananatili naman sa ikatlong puwesto si Joan Banayag na tumapos ng 45:15.
Samantala, pinutol ni Roy Ocon ng Holy Cross of Davao ang tatlong taong paghahari ng schoolmate na si Jordan Oberes sa 5-k fun run sa tiyempong 15:323 na may anim na segundong ungos sa huli.