'Fist of Fury' sa Casino Filipino
July 8, 2001 | 12:00am
Bagamat walang maraming korona si Malcolm Tuñacao, marami siyang malalaking plano.
Ito ay kinabibilangan ng muling pag-angat ng kanyang sarili bilang top fighter at posibleng pagbabalik sa ibabaw ng lona kontra Pongsaklek Won-jongkam ng Thailand.
Determinado ang 23-anyos na dating WBC flyweight champions na maibalik ang ningning ng kanyang career makaraan ang apat na buwang pamamahinga sa kan-yang nakatakdang pakikipaglaban kontra Randy Mangubat para sa WBC International flyweight championship sa Hulyo 28.
Ang naturang 12-round encounter na tinaguriang "Fist of Fury sa Casino Filipino-Parañaque" ay handog ng Elorde International Productions ni Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ay isa lamang sa tatlong nakatakdang WBC International bouts na gaganapin sa Casino Filipino-Parañaque theater.
Ang pagbabalik ni Tuñacao ang susukat hindi lamang sa kanyang tikas kundi maging sa kanyang stamina.
Matatandaan na nabigo ang Mandaue City-based boxer sa tangkang world crown sa pamamagitan ng sobrang timbang noong Marso sa kanilang paghaharap ni Wonjongkam kung saan siya ay sumobra ng 8 pounds tatlong araw bago ang nasabing laban kung kayat nahirapan siyang gumalaw.
"Ayaw ko nang mangyari iyon, kasi ang hirap gumalaw kapag reduce ka, wala ka nang lakas. Kaya nag-iingat na ko ngayon" wika ni Tuñacao.
Lumasap ang 57 fighter mula sa Wakee Salud stable ng tatlong knockdowns sa kanilang laban ni Wonjongkam sa first round.
Dalawang iba pang WBC international champions ang magdedepensa ng kanilang mga korona--sina junior flyweight Jua-nito Rubillar na makiki-pagpalitan ng suntok kontra Takahiko Mizuno ng Japan, habang sasagupain naman ni bantamweight titlist Ricky Gaya-mo ang Philippine bantamweight holder Abner Cordero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended