^

PSN Palaro

Quaterfinals pakay ng Pop Cola kontra Ginebra

-
Makakapit sa quarterfinals ang pakay ng Pop Cola Panthers at Barangay Ginebra, habang makaiwas naman sa alanganing sitwasyon ang hangad ng Tanduay at Mobiline Phone Pals.

Ito ang tema ng dalawang laro na nakatakda ngayon sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng PBA Commissioner’s Cup na dadako sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang Mobiline at Tanduay ay kapwa may 2-4 win-loss slate at ang Ginebra at Pop Cola ay mayroong 3-3 at 3-4 kartada, ayon sa pagkakasunod.

Tanging ang defending champion San Miguel Beer at Purefoods TJ Hotdogs pa lamang ang nakakasiguro ng slot sa quarterfinals bunga ng kanilang 5-2 panalo-talo habang ang Batang Red Bull (4-2), Alaska Aces at Sta. Lucia Realty ay may parehong 4-3 karta ay nakakatiyak pa lamang ng playoff para sa ikawalo at huling quarterfinals berth.

Muling sasandalan ng Gin Kings si Jerald Honeycutt na naging susi sa kanilang nakaraang 96-83 pamamayani kontra sa Aces. Inaasahang sa larong ito, papatunayan ni Honeycutt na siya ang mas karapat-dapat kaysa kay RyanFletcher. Si Honeycutt at Fletcher ay pinagpipilian pa ng Gin Kings kung sino ang kanilang magiging pinal na import patungo sa susunod na round.

Makakatapat naman ni Honeycutt si import Jason Sasser ng Panthers na naghahangad makabangon sa kanilang 83-95 kabiguan kontra sa Red Bull Thunder.

Sapul nang magbalik aksiyon ang Tongan na kinilala na ng DOJ at BID bilang Pinoy na si Paul Asi Taulava, hindi pa nananalo ang Mobiline sa tatlong laro kahit na pinalitan na ang dating import na si Jerod Ward ni Todd Bernard.

Inaasahang sa puntong ito ay nakapag-adjust na ang Phone Pals sa pagbabalik ni Taulava gayundin ni Bernard na naging import ng Mobiline sa Governor’s Cup noong nakaraang taon para sa kampanya ng koponan sa ikalawang kumperensiyang ito.

Naging masaklap sa Mobiline ang kanilang nakaraang 79-84 pagkatalo kontra sa TJ Hotdogs noong Sabado nang dumako ang Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Makakatapat nina Bernard at Taulava si import Kevin Freeman na inaasahang babandera sa Rhummasters para makabawi sa 77-95 pagkatalo kontra sa SMBeer. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ANG MOBILINE

ANTIPOLO CITY

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

GIN KINGS

MOBILINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with