Shell sinibak ng Realtors sa PBA Commissioner's Cup
July 5, 2001 | 12:00am
Pormal na umusad sa quarterfinal round ang Sta. Lucia Realty kasabay ng paglabo ng tsansang makapasok sa susunod na round ng Shell Velocity matapos ang 78-69 panalo ng Realtors sa papainit na single round elimination ng PBA Commissioners Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Ang ikatlong sunod na panalo ng Sta. Lucia at ikaapat sa kabuuang 7-laro ang nagpalakas din ng kanilang tsansang makasama sa top-four na mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa quarters.
Ang ikaanim na sunod na talo ng Turbochargers sa 7-pakikipaglaban ay dahilan upang malagay sa alanganing sitwasyon ang Shell dahil hindi na nakasalalay sa kanilang kamay ang kanilang pananatili sa kontensiyon.
Hinayaan lamang ng Sta. Lucia na umabante ang Shell ng isang puntos ngunit nagsanib ng puwersa sina import Damian Owens, Dennis Espino at Cris Tan upang umalagwa ang Realtors at iposte ang 12-puntos na kalamangan, 73-60 matapos ang 23-9 run.
Tinangkang isalba ni import Tremain Wingfield at Rob Wainwright ang Turbochargers ngunit ang kanilang 9-1 produksiyon ay naglapit lamang sa Shell sa 69-74 at hindi na naka-iskor pa sa mga sumunod na posesyon.
Sa pangunguna ni Damiens, nagawang umabante ng Sta. Lucia ng 9 puntos sa unang ba-hagi ng labanan at isara ang first half na taglay ang 40-33 kalamangan.
Humakot si Owens ng 11 puntos sa ikalawang quarter, kung saan isang 9-2 run ang pinakawalan ng Realtors upang iposte ang 38-29 bentahe.
Sa kaagahan ng laba-nan, umabante ang Turbochargers sa 12-9 ngunit nagbida si Aquino sa 10-0 produksiyon upang agawin ang trangko sa 19-12.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska Aces at Purefoods TJ Hotdogs bilang tampok na bakbakan.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended