^

PSN Palaro

24th KING'S CUP:Panalo ni Magliquian nagsiguro ng medalya

-
BANGKOK -- Niyanig ni Juanito Magliquian ang local favorite Keow Pong-prayoon ng Thailand B, 7-5 noong Martes ng gabi upang isiguro sa Team Philippines ang hindi bababa sa bronze medal sa 24th King’s Cup Amateur Boxing Tournament dito.

Maagang kinuha ni Magliquian, pinweight gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games ang bentahe sa unang pagtunog pa lamang ng bell ng kanilang flyweight bout sa pamamagitan ng kanyang one-two combinations at bugbugin ang Thai sa buong laban.

Kanyang pinatahimik ang mga fans nang kan-yang patamaan ng kaliwang hook at right straight ang mukha ni Keow sa third round.

"Sinundan ni Juanito ang game plan namin. Sabi namin, dehado tayo sa kalaban dahil Thai, kaya sundot-atras, sundot-atras ang ginawa namin. Marami naman siyang naipuntos sa ganito kaya meron na tayong automatic bronze," pahayag ni head coach Orlando Tacuyan.

Patuloy na binabalaan nina Tacuyan at assistant coach Roberto Jalnaiz ka-sama ang referee/judge na si Maximo Acosta ang bawat isa hinggil sa susu-nod nilang laban hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang trabaho.

"Kailangan lang na magtiyaga pa. Hindi dapat huminto sa pag-ensayo," sabay-sabay na pahayag ng tatlo.

Dalawang iba pang Pinoy pugs--sina featherweight Roel Laguna at flyweight Vincent Palicte ang kakampanya sa semifinals seat at dalawang iba pa ang may awtomatiko ng bronze medals sa Miyerkules ng gabi sa kanilang pakikipaglaban sa quarterfinals.

Ang dalawa ay nauna ng nagtala ng impresibong panalo para sa koponan na ipinadala rito ng Pacific Asphalt Mix, Pacific height at Philippine Sports Commission para palakasin ang kanilang training sa nalalapit na Southeast Asian Games.

Pinayukod ni Laguna ang taga-Laos na si Nilonedone Tancuanka, 8-5, ha-bang naligtasan naman ni Palicte mula sa Bago City si Naremit Sittisenar ng Thailand Team C sa iskor na 11-2.

Apat sa Pinoy pugs ang nawala na sa kontensiyon sina Alex Pedreso, Esmael Bacongon at Marcial Chavez na luma-sap ng kani-kanilang pagkatalo, habang nagtala naman si Julito Paller ng RSC-O na kabiguan.

ALEX PEDRESO

BAGO CITY

CUP AMATEUR BOXING TOURNAMENT

ESMAEL BACONGON

JUANITO MAGLIQUIAN

JULITO PALLER

KEOW PONG

MARCIAL CHAVEZ

MAXIMO ACOSTA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with