Ang isang araw na pagtitipon ay pinalitan na lamang ng baseball clinic na pinangasiwaan ng bisitang American major league coaches sa pangunguna ni Fil-Am Jim Ramos at Dennis Bonebreak.
Kasabay nito, muling ipag-papatuloy ang mga laro sa kasalukuyang Presidential Cup tournament kung magiging maganda na ang lagay ng panahon sa Sabado at Linggo.
Samantala, mahigit sa 30 nagsipagtapos ang tumanggap ng kani-kanilang certificate of completion ngayon matapos na dumalo sa tatlong linggong baseball clinic na ginawa ng major league coaches.