^

PSN Palaro

Purefoods aapela sa PBA Board

-
Sa kaugnay na balita, nakatakdang magsagawa ng isang emergency meeting ang PBA board of governors sa linggong ito upang talakayin ang apela ng Purefoods sa kanilang kaso na posibleng humantong sa pagdi-disbanda ng kanilang koponan.

Ang pagdi-disbanda sa Purefoods ay magreresulta ng hindi lamang malaking kawalan sa kumpanya kundi maraming manlalaro ang maaapektuhan.

Kasama sa apela ng Purefoods na payagan silang makatapos ng paglalaro hanggang sa pagsasara ng 26th season ng natatanging professional loop sa Asia.

"Through the thirteen years of its franchise, Purefoods had invested more than P300 million to build and maintain the basketball team. Morever, the Purefoods basketball team has helped the company build a dominant brand which now controls a significant portion of the Hotdog maker. All these will be lost once the team is disbanded," ani Butch Alejo, board representative ng Purefoods.

Naunang nagsagawa ng emergency meeting ang board para pag-usapan kung papayagan pang ipagpatuloy ang paglahok ng Purefoods sa liga hanggang katapusan ng taong ito, bagamat nabili na ito ng San Miguel Corp, kasama ang PBA franchise ng Purefoods sa halagang P8 bilyon.

vuukle comment

APELA

BOARD

BUTCH ALEJO

KASAMA

MOREVER

NAUNANG

PUREFOODS

SAN MIGUEL CORP

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with